Salpukan ng Motor at Closed Van, Isa Patay

Ilagan City, Isabela – Hindi na umabot ng buhay sa hospital ang isang binata matapos sumalpok sa isang closed van ang minamaneho nitong motorsiklo.

Batay sa ipinarating na impormasyon sa RMN News Cauayan ni PSupt Ronald Laggui ng Isabela Police Provincial Office (IPPO), bandang alas nueve kwarenta kagabi, Pebrero 2, 2018, ng magsalpukan ang dalawang sasakyan sa kahabaan ng National Highway sa Barangay San Felipe, Ilagan City, Isabela.

Kinilala ang nasawi na si Cerilo Dulay, 25 anyos, binata at residente ng Brgy. Linglingay Gamu, Isabela samantalang nakilala naman ang driver ng closed van na si Ronaldo Boromeo, residente ng Las Pinas City.


Sa inisyal na imbestigasyon ng PNP Ilagan, napag-alaman na nag-overtake sa sinusundang sasakyan ang motorsiklo ng biktima ng hindi nito mapansin ang kasalubong na van na papauwi naman ng Maynila

Sa nangyaring head on collision ng dalawang sasakyan, agad na isinugod ang drayber ng motorskilo sa Governor Faustino N. Dy Sr. Memorial Hospital subalit idineklarang dead-on-arrival.

Hawak na ngayon ng PNP Ilagan ang drayber ng closed van para sa karagdagang imbestigasyon at nakatakda na rin sampahan ng kasong reckless imprudence resulting to homicide and damage to property sa piskalya.

Facebook Comments