NANGHALAY NG PAMANGKIN | 20 anyos na lalaki, arestado!

Manila, Philippines – Tiklo ang isang dalawampung taong gulang na lalaki matapos gahasain ang pitong taong gulang niyang pamangkin sa kanilang bahay sa gagalangin Tondo, Maynila.

Ayon sa chief ng Gagalangin na si Senior Inspector Victor De Leon, nahuli ang suspek nang makatanggap sila ng report na nagtago ito sa Antipolo St. sa corner ng Blumentritt.

Sa ulat, ginahasa umano ng suspek ang kaniyang pamangkin noong February 1 ng madaling araw.


Sinumbong naman aniya ito ng biktima sa kaniyang ina na agad namang nagsumbong sa otoridad.

Samantala, itinanggi namang ng suspek ang kaniyang panggagahasa kahit na lumabas sa medical examination na may sugat ang ari ng bata.

Ayon sa suspek, umakyat siya dahil naiwan niya lang ang kaniyang mga gamit sa kwarto kung saan natutulog ang biktima.

Facebook Comments