Bilang active cases sa Taguig City, nasa 9 na lang

Ikinatuwa ng pamahalaang lungsod ng Taguig ang bagong datos ng City Epidemiology Disease and Surveillance Unit (CEDSU) kaugnay sa bilang ng active cases sa lungsod.

Batay kasi tala ng CEDSU kaninang umaga, nasa siyam na lang ang kabuuang bilang ang nananatili sa mga quarantine facility ng Taguig.

Ayon kay Taguig Mayor Lino Cayetano, ito ay dahil sa mayroong 24 na mga indibidwal mula sa active cases ang mga bagong gumaling sa naturang sakit.


Aniya, kahit mayroong 16 na bagong naitalang kaso ng COVID-19 sa lungsod, hindi aniya ito nakadagdag sa bilang ng ng active case dahil mas marami pa rin ang gumaling kaysa sa nagkasakit.

Ngayong araw, ang kabuuang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa lungsod, umabot na ng 10,681, kung saan 10,515 dito ay mga gumaling na habang 157 naman ang nasawi.

Facebook Comments