Bilang ng active cases ng COVID-19 sa lungsod ng San Juan, mababa na sa isang daan

Ikinatuwa ni San Juan City Mayor Francis Zamora na nasa 79 na lang ang kabuuang bilang ngayon ng active cases ng COVID-19 sa lungsod.

Aniya, umaasa siyang tuluyan nang bababa ang bilang nito sa mga susunod na mga araw.

Dahil dito aniya papaigtingaan pa ng lokal na pamahalaan ng lungsod ng San Juan ang mga ginagawang precautionary measures upang makamit ang zero case ngayong December.


Kaya naman paalala niya sa mga residente nito na panatilihing magsuot ng face mask, face shield kung lalabas ng bahay at observe social distancing.

Ugaliin din na maghugas ng kamay, mag-disinfect gamit ang hand sanitizer o alcohol na 70% solution.

Ngayong umaga, meron ng kabuuang bilang na 3,097 na infected ng COVID-19 simula noong unang araw na nagkaroon ng unang kaso ang lungsod ng naturang sakit.

Facebook Comments