Cauayan City, Isabela- Bumaba na lamang sa 716 ang bilang ng aktibong kaso ng COVID-19 sa Lalawigan ng Isabela.
Batay sa ibinahaging impormasyon ng Isabela Provincial Information Office ngayong araw ng Miyerkules, Pebrero 9, 2022, nabawasan ang dating bilang na 959 na active cases ng probinsya matapos makarekober sa naturang sakit ang 122 pasyente.
Sa kabila rin ito ng pagkakatala ng probinsya ng 61 na panibagong mga kaso.
Sa kasalukuyan, umabot na sa 68,497 ang total cumulative cases ng Isabela kung saan 65,583 rito ang gumaling at 2,208 na ang nasawi.
Samantala, nangunguna pa rin ang Santiago City sa may pinakamaraming bilang ng aktibong kaso na may 101 na kung saan ay patuloy rin ang pagbaba kumpara sa mga nakalipas na araw.
Facebook Comments