Pangulong Rodrigo Duterte, dapat magtalaga na ng bagong COMELEC commissioners

Hinikayat ni Senator Francis Tolentino si Pangulong Rodrigo Duterte na magtalaga na ng bagong commissioners sa Commission on Elections o COMELEC.

Ayon kay Tolentino, ito ay dahil napakaraming trabaho ang kinakaharap ngayon ng COMELEC kaugnay sa 2022 elections.

Mensahe ito ni Tolentino kasunod ng pagreretiro nina dating COMELEC Chairman Sheriff Abas at dating Commissioners Rowena Guanzon at Antonio Kho Jr.


Apat ang commissioners ngayon at isa sa kanila na si Commissioner Socorro Inting ang acting chairperson.

Sinabi ni Tolentino, na may quorum naman ang apat na natitirang commissioners pero mas mainam kung kumpleto sila.

Facebook Comments