PRC, nanawagan sa publiko na mag-donate ng dugo para sa mga pasyenteng nangangailangan ng agarang blood transfusion

Nananawagan ngayon ang Philippine Red Cross (PRC) sa publiko na mag-donate ng dugo para sa mga pasyenteng nangangailangan ng agarang blood transfusion.

Ayon kay PRC Chairman at Senator Richard Gordon, nanganganib nang mauubos ang supply ng mga dugo at limitado na lamang ito ngayon.

Aniya, marami ang nangangailangang pasyente kagaya ng mga cancer patients, biktima ng mga aksidente, mga mayroong kumplikasyon sa dugo, at mga nanay na kapapanganak lamang.


Kaugnay nito, sa mga nais mag-donate ay maaari lamang na mag-text sa numerong 0917-437-9377 at susunduin patungo sa PRC Headquarters sa Lungsod ng Mandaluyong upang dito kunan ng dugo.

Facebook Comments