Bilang ng COVID-19 Patient na Naka-admit sa CVMC, Nabawasan

Cauayan City, Isabela- Bahagyang bumaba ang bilang ng kaso ng COVID-19 na kasalukuyang naka-admit sa Cagayan Valley Medical Center (CVMC) sa Tuguegarao City.

Sa panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay Dr. Glenn Mathew Baggao, medical chief ng CVMC, kanyang sinabi na nababawasan na ang mga naka-isolate na tinamaan ng COVID-19 sa ospital dahil na rin sa mga gumagaling.

Karamihan aniya sa mga positibong naka isolate ay galing sa Tuguegarao City at mula sa iba’t-ibang bayan ng Cagayan.


Mayroon din aniyang mga COVID-19 patients na galing din sa Isabela, Quirino, Kalinga at Apayao ang naka-admit sa CVMC.

Muling nagpaalala sa publiko na sumunod pa rin sa mga health and safety protocol para makaiwas sa COVID-19.

Samantala, naghahanda na rin ang CVMC para sa gagawing pagbabakuna oras na mayroon na ang COVID-19 vaccine.

Uunahin pa rin ani Dr. Baggao ang mga healthworkers at iba pang frontliners.

Mula sa mahigit 2 libong empleyado ng CVMC ay mayroon na rin listahan para sa mga unang tuturukan ng bakuna.

Mensahe nito sa lahat na huwag matakot sa pagpapaturok ng bakuna bagkus ay magtiwala at mag-ingat lamang upang makaiwas sa nakamamatay na sakit.

Facebook Comments