Bilang ng COVID-19 positive sa Mandaluyong, nadagdagan pa ng 10 sa nakalipas na 24 oras

40

Tumaas ang bilang ng kaso na positibo sa Coronavirus Diseases 2019 o COVID19 sa Lungsod ng Mandaluyong kung saan umabot na ito ng 60 kahapon.

Batay sa tala ng Mandaluyong City Health Office, noong Martes nasa 50 ang bilang ng kaso sa COVID19, at pagkalipas ng 24 oras, nadagdagan ito ng 10.


Pero, kahapon din may naitalang dalawang pasyente ng nasabing virus na gumaling, ito ang pinakaunang mga pasyente sa nasabing lunsod na nakarekober sa sakit na dulot ng COVID-19

Subalit, nadagdagan naman ng isa pang pasyente ng COVID-19 ang nasawi kung saan umabot na ito sa 13.

Tumaas din ang mga bilang ng Persons Under Monitoring na nasa 383 na ito at umabot na  ng 169 ang Person Under Investigation o PUI.

Facebook Comments