Manila, Philippines – Habang papalapit ang midterm election sa Mayo a-13 inaasahan ng Philippine National Police na magbabago pa ang bilang ng mga election hotspots sa bansa.
Ayon kay PNP Spokesperson Police Sr. Supt. Bernard Banac inaasahan nilang hindi na magdadagan pa ang election hotspots o mas maiging mabawasan pa ito.
Kahapon inihayag ni PNP Chief Police Director General Oscar Albayalde na mayroong 701 na election hotspots para sa midterm election.
Pero ang bilang na ito ay naka categorize sa Election areas of concern na umaabot sa 223.
Election areas of immediate concern na umaabot sa 382 at Election areas of grave concern na umaabot sa 94 habang dalawang lugar ay nasa comelec control.
Umaapela naman si Banac sa publiko na makipagtulungan sa mga awtoridad para matiyak na hindi magiging magulo ang gaganaping midterm election sa Mayo.