Bilang ng fireworks-related injuries sa bansa, umabot na sa 211 ayon sa DOH

Sumampa na sa 211 ang bilang ng naitalang fireworks-related injury sa bansa.

Ito’y matapos madagdagan ng 74 ang kaso ng fireworks-related injury mula sa 61 na Department of Health (DOH) sentinel hospitals, kahapon January 1, unang araw ng taon.

Mas mataas na ito ng 16% kumpara sa naitalang kaso noong nakaraang taon sa kaparehong panahon na nasa 182 lamang.


Paalala naman ng DOH sa publiko na huwag pulutin gamit ang kamay ang mga makikitang natirang mga paputok sa kalsada.

Facebook Comments