Bilang ng fireworks-related injuries sa bansa, umakyat na sa 16

Nadagdagan pa ang bilang ng naitalang kaso ng fireworks-related injuries sa bansa, isang linggo bago ang pagdiriwang ng Bagong Taon.

Batay sa pinakahuling datos ng Department of Health (DOH), sumampa na sa 16 ang bilang ng mga tinamaan ng paputok.

Sa naturang bilang, 94% dito ay naganap sa bahay o sa kalsada kung saan karamihan ay nagmula sa National Capital Region (NCR).


Ang mga bagong kaso ay mula 6 hanggang 35 taong gulang na may isang babae lamang.

Kaugnay nito, nanawagan ang DOH sa mga nagtitinda ng paputok at sa law enforcers na paigtingin ang pagbabantay laban sa illegal fireworks.

Mula December 21, 2022 hanggang January 4, 2023, nakapagtala ang DOH ng 277 fireworks-related injuries na 49% na mas mataas kumpara sa mga kasong naitala noong 2021.

Facebook Comments