Manila, Philippines – Inamin ng Philippine National Police (PNP) na tumaas ang bilang ng kaso ng homicide sa unang isang taon ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ito’y kasabay ng kampanya laban sa ilegal na droga ng administrasyon.
Sa interview ng RMN kay PNP Spokesperson, Sr/Supt. Dionardo Carlos – pinapatay ng mga sindikato ng droga ang kanilang mga tauhan.
Pero paglilinaw ni Carlos, nabawasan naman ang kaso ng iba’t-ibang uri ng krimen.
Sa kabila nito, malaking hamon pa rin sa pambansang pulisya na resolbahin ang kaso ng mga pagpatay.
Samantala, lumabas sa survey ng Social Weather Stations (SWS) na higit 80-porsiyento ng mga naninirahan sa Metro Manila ang nagsabing ligtas sila mula sa krimen.
Facebook Comments