Weather Update!

Manila, Philippines – Kahit nakalabas na ng Philippine Area of Responsibility ang bagyong ‘Emong’, patuloy pa ring uulanin ang malaking bahagi ng bansa dala ng habagat.

Asahan ang pag-ulan sa Ilocos, MIMAROPA gayundin ang Zambales, Bataan at CALABARZON.

Magkakaroon naman ng mahihinang pag-ulan sa Visayas lalo na sa kanlurang bahagi.


Sa Mindanao, magiging maulap ang panahon pero may tyansa pa rin ng thunderstorms.

Sa Metro Manila, may isolated thunderstorm pa rin pagdating ng hapon on gabi.

Agwat ng temperatura sa Metro Manila mula 25 hanggang 32 degrees Celsius.

*Sunrise: 5:31 ng umaga*
*Sunset: 6:29 ng gabi*

*

Facebook Comments