Bilang ng krimen sa Ilocos Norte bumaba, Quarantine violators bahagyang dumami

iFM Laoag – Bumaba ang bilang ng krimen sa Ilocos Norte sa una at pangalawang kwarter ng taong 2020.

Pahayag ito ng Ilocos Norte Police Provincial Office sa pamumuno ni Police Colonel Christopher Abrahano.

Sa datus, lumalabas na umaabot sa 90% ang pagbaba ng Index Crime o ang mga regular na krimen sa lipunan gaya na lamang ng murder, theft o pagnanakaw at iba pa.


Samantala, tumaas naman ang bilang ng mga non-index crime o kaya’y ang mga kabilang sa quarantine violators na umabot sa 10.9% sa una at pangalawang kwarter ng taong kasalukuyan.

Dahil dito, laking tuwa ni Governor Matthew Manotoc dahil nananatili paring Generally Peaceful ang probinsia simula ng nanungkolan ito bilang gobernador, isang taon na ang nakalipas sa araw na ito. – Bernard Ver, RMN News

Facebook Comments