BILANG NG KRIMEN SA LAMBAK NG CAGAYAN, BUMABA NGAYONG 1ST QUARTER NG TAON

CAUAYAN CITY – Bumaba umano ang crime rate sa unang quarter ng taong 2025 sa Lambak ng Cagayan.

Ayon sa ulat ng Police Regional Office 2 (PRO2), nasa 7.59% o 147 na kaso ng krimen ang ibinaba kumpara noong nakaraang taon.

Bukod dito, bumaba rin ng 6.85% ang index and non-index crimes mula sa 1,139 na naitala noong 2024 ay naging 1,060 naman ito ngayong taon.

Sa mga aksidente naman, mula 799 noong 2024 ay bumaba ito ng 730 ngayong 2025 .

Ayon kay Police Brigadier General Antonio P. Marallag Jr., Regional Director ng PRO2 na patuloy ang kanilang dedikasyo g maipatupad ang mga batas pangkapayapaan sa buong Rehiyon.

Kaugnay nito, hinikayat din nito ang publiko na makilahok sa mga programa ng pulisya laban sa mga ilegal na aktibidad.

Facebook Comments