Umakyat na sa 20 ang bilang ng mga kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa bansa.
Ayon kay Health Asec. Maria Rosario Vergeire, mula sa 10 na kumpirmadong kaso ng sakit na iniulat kahapon, nadagdagan pa ito ng panibagong 10.
Aniya, natanggap lamang nila ang kumpirmayson sa mga bagong kaso ng sakit, bago magtanghali kanina kaya’t wala pa rin silang kumpletong impormasyon hinggil sa mga ito.
Sa ngayon, hindi pa, aniya, nila matukoy kung ano ang koneksiyon nila sa mga unang kaso.
Tiniyak naman ni Vergeire na patuloy ang isinasagawa nilang contact tracing sa mga nagkaroon ng direct contact sa mga mayroong COVID-2019.
Facebook Comments