Bilang ng Kumpirmadong Kaso ng COVID-19 sa Lambak ng Cagayan, Umakyat na sa 75

Cauayan City, Isabela- Umakyat na sa pitumpu’t lima (75) ang naitalang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa buong Lambak ng Cagayan.

Base sa pinakahuling tala ng Cagayan Valley Center for Health and Development, nasa tatlumpu’t dalawa (32) pa ang aktibong kaso ng COVID-19 sa rehiyon dos na kasalukuyang naka-isolate at inoobserbahan sa mga itinalagang ospital para sa mga COVID-19 patients.

Nasa labing siyam ang naka-admit ngayon sa Southern Isabela Medical Center sa Santiago City, labing isa sa Cagayan Valley Medical Center sa Tuguegarao City at dalawa (2) sa R2TMC sa Lalawigan ng Nueva Vizcaya.


Nananatili namang COVID-19 free ang probinsya ng Batanes at Quirino.

Sa kabuuan, 42 na sa 75 na naitalang COVID-19 positive sa buong rehiyon ang nag-negatibo na sa sakit samantalang ang isa (1) naman ay nasawi.

Facebook Comments