Bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Maynila, pumalo na sa higit 70

Umabot na sa 75 katao ang nagpositibo sa Coronavirus disease o COVID-19 sa lungsod ng Maynila.

Ayon sa Manila Health Department, pinakaraming naitala ng kaso ng COVID-19 ay sa area ng Sampaloc na mayroong 28; 9 sa Sta. Ana at 8 sa Sta. Cruz habang 5 naman sa Pandacan.

Nasa 4 na kaso ng COVID-19 ang naitala sa may bahagi ng Ermita gayundin sa Tondo district 1 at 2.


Tig-tatlo naman sa Binondo, Malate at Sta. Mesa kung saan dalawa sa paco haban tig-isa sa Baseco at Quaipo.

Pumalo naman sa 271 ang naitalang Person Under Investigation o PUIs habang apat ang nakarekober at sampu ang nasawi matapos tamaan ng COVID-19.

Ayon naman kay Manila Mayor Isko Moreno, tuloy-tuloy pa din ang kanilang programa na Manila code (contain and delay) COVID-19 kung saan patuloy ang disinfection and misting operations sa lungsod habang nasa 153,450 food boxes na ang kanilang naipamahagi.

Nagpapasalamat naman si Yorme sa patuloy na pagdagsa ng mga tulong kung saan muli niyang paalala sa bawat residente sa Maynila na manatili na lamang sa loob ng kanilang bauay dahil ang lokal na pamahalaan na ang magtutungo sa tapat ng kanilang bahay para ipamigay ang mga food box.

Facebook Comments