BILANG NG MAY COVID-19 SA ISABELA, LALONG TUMAAS

Cauayan City, Isabela- Tumaas pa ang hawaan ng COVID-19 sa lalawigan ng Isabela ayon na rin sa pinakahuling datos ng Department of Health (DOH) Region 2 ngayong araw ng Biyernes, Setyembre 3, 2021.

Batay sa ulat ng DOH RO2, muling nakapagtala ang probinsya ng 310 na bagong kaso ng COVID-19; 135 na bagong gumaling at apat (4) na bagong namatay sa nasabing sakit.

Sa kasalukuyan, mayroon ng 33,682 na kabuuang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 ang Isabela kung saan ang 30, 149 rito ay idineklarang fully recovered habang ang natitirang 1,013 ay binawian na ng buhay.


Samantala, nangunguna pa rin ang Lungsod ng Cauayan sa may pinakamaraming aktibong kaso na may 196, sumunod ang bayan ng Quezon na may 172 at pangatlo ang bayan ng Cabagan na may 165.

Facebook Comments