Cauayan City, Isabela- Bahagyang bumaba ang bilang ng aktibong kaso ng COVID-19 sa Lungsod ng Santiago.
Ang Santiago City ay mayroon na lamang 246 na active confirmed cases ng COVID-19 ngayong araw, Nobyembre 1, 2021.
Ito’y matapos makapagtala ang Siyudad ng 17 new cases, tatlong (3) reinfection cases at 24 new recoveries ng COVID-19.
Sa kabuuan, 7,217 na ang naitalang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Lungsod.
Tumaas na sa 6,759 ang bilang ng gumaling habang 212 na pasyente naman ang binawian ng buhay.
Kasalukuyan namang nasa GCQ with heightened restrictions ang status ng Lungsod ng Santiago dahil pa rin sa naitatalang bilang ng kaso ng COVID-19.
Facebook Comments