Manila, Philippines – Aabot na sa mahigit 84 na libong katao o mahigit labing pitong libong pamilya ang naapektuhan ng gulo sa Marawi City.
Ayon kay Myrna Jo Henry information officer, ng ARMM-HEART o Humanitarian Emergency Action and Response Team ang mga evacuees na ito ay nailipat na sa walong evacuation centers sa iligan at labing pitong mga munisipalidad sa Lanao De Sur na ngayon ay patuloy na inaayudahan ng pamahalaan .
Habang umabot na sa isang libo at mahigit apat na raang mga sibilyan ang na rescue ng ARMM heart sa Marawi City makaraang ma rescue hanggang kaninang alas dyes ng umaga ang isang daan at limampu pang sibilyan.
Nailigtas ang mga ito makaraang magparating sa kanila ng impormasyon sa pamamagitan ng kanilang hotline nang matrap sa nagpapatuloy na gulo sa Marawi City.
Sa ngayon patuloy ang monitoring na ginagawa ng ARMM heart sa Marawi City upang mailigtas pa ang mga sibilyang nadadamay sa gulo.
DZXL558