Bilang ng mga bagong botante, halos 300,000 na – COMELEC

Umaabot na sa halos 300,000 ang bilang ng mga bagong botante na nagparehistro para sa 2022 elections.

Ayon kay Commission on Elections (COMELEC) Commissioner Rowena Guanzon, nasa 270,308 first-time voter ang nagpatala hanggang noong Oktubre 30, 2020.

Sa kabila nito, aminado si Guanzon na malayo pa ito sa target nilang tatlong milyong bagong botante para sa 2022 elections.


Sinabi pa ni Guanzon na tumulong sana ang publiko na himukin ang mga kabataan na magparehistro upang magkaroon sila ng pagkakataon na bumoto.

Nabatid na maaaring magparehistro mula Lunes hanggang Huwebes ng alas-8:00 ng umaga hanggang alas-3:00 ng hapon sa Office of the Election Officer.

Facebook Comments