Seguridad ng pagdiriwang ng ika-35th Anniversary ng makasaysayang People Power Revolution bukas, kasado na

61

Kasado na ang seguridad para sa ika-35th Anibersaryo ng makasaysayang People Power Revolution bukas (February 24, 2021).

Sa ginanap na barangay Peace and Order Summit sa San Juan kanina, sinabi ni National Capital Region Police Office (NCRPO) Chief Major General Vicente Danao Jr., na nakahanda na sila kasama ang Eastern Police District para sa mga gagawing aktibidad bukas.


Dahil dito, aabot sa 2,000 pulis ang magbabantay sa EDSA bukas.

Inatasan naman ni Danao ang pulisya na mahigpit pa ring ipatupad ang minimum health standards laban sa COVID-19.

Pinagdadala rin niya ng yantok ang lahat ng nakakalat na pulis para tiyaking nasusunod ang physical distancing sakaling magkaroon ng pagkilos.

Sa ngayon, maliban dito ay hinimok na rin ni dating Pangulong Fidel Ramos ang mga Pilipino na patuloy na obserbahan ang nasyonalismo at gunitain ang People Power Revolution taun-taon.



Facebook Comments