Inihayag ng Taguig City Epidemiology Diseases and Surveillance Unit (CEDSU) na mas marami ang mga tinamaan ng COVID-19 kumpara sa mga gumaling kahapon.
Batay sa tala ng CEDSU, kagabi ay nakapagtala sila ng 149 na bagong kumpirmadong kaso COVID-19.
Habang ang mga bagong gumaling ay nasa 68 lang.
Nananatili naman sa 185 ang kabuuang bilang ng mga nasawi sa lungsod na o katumbas ito ng 1.14% case fatality rate.
Sa kabuuan, ang bilang ng mga kumpirmadong kaso ay 16,276 at 15,789 recoveries na may 97.01% recovery rate.
Tiniyak naman ng CEDSU na binibigyan ng pansin ang mga active cases ng pamahalaang lungsod upang mapigilan ang paglaganap ng sakit at agarang makatulong sa pagpapagaling ng mga COVID-19 patient.
Facebook Comments