Bumaba ang bilang ng mga naging biktima ng paputok sa selebrasyon ng pasko at pagsalubong ng Bagong Taon sa lalawigan ng South Cotabato.
Batay sa datos ng Provincial Health Office nasa 36 ang naitalang firecracker-related injuries mula Disyembre 1 hanggang Enero 1 ng kasalukuyang taon at mas mababa ito ng 7.7 percent kumpara sa kaparehong panahon.
Karamihan ng mga naputukan ay mga kabataan na nasa edad 0-10 na umabot sa 16, at 8 naman ang nasa edad na 11 hanggang 20 anyos.
Nangunguna naman sa may maraming bilang ng mga naging biktima ng paputok ay mula sa Koronadal City at bayan ng Banga na may tig-8, habang 5 naman mula sa bayan ng Polomolok, tig-apat sa bayan ng Surallah at Tupi, 3 sa T`boli, 2 sa Tampakan, tig-isa naman sa Lake Sebu at Norala.
Nabatid na isa katao ang naputulan ng bahagi ng katawan na mula sa bayan ng Banga at karamihan naman ang nagtamo ng burn injury.
Nangunguna pa rin ang iligal na paputok na piccolo sa dahilan ng pagkakasugat ng mga biktima.
Sa ngayon nagpapatuloy pa rin ang monitoring ng Provincial Health Office ng South Cotabato sa mga naging biktima ng paputok na tatagal pa hanggang Enero 5.
Bilang ng mga biktima ng paputok sa South Cotabato bumaba.
Facebook Comments