Walong pamilya, apektado sa sunog na sumiklab sa Road 1 Brgy. Bagong Pag-asa, Quezon City

Aabot sa walong pamilya ang naapektuhan sa pagkasunog ng dalawang palapag na establisyemento sa No. 212 Road 1, Brgy. Bagong Pag-asa sa Quezon City.

Ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP) ng Quezon City, nagsimula ang sunog bandang alas-11:08 kaninang umaga na itinaas sa ikalawang alarma dakong alas-11:16 bago idineklarang fire out ng alas-11:50.

Nagsimula ang sunog sa tulugan ng mga trabahador ng pagawaan ng sorbetes.


Tinatayang namang aabot sa 20,000 ang halaga ng ari-ariang natupok ng sunog.

Walang namang naiulat na nasaktan at inaalam pa ang sanhi ng sunog.

Facebook Comments