Bilang ng mga brgy. na kailangan pang malinis mula sa iligal na droga sa nalalabing panahon ni Pangulong Duterte, nasa mahigit 12,000 pa – PDEA

Nanatiling hamon sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa nalalabing panahon ng Duterte administration ang paglinis sa nalalabing barangay sa buong bansa mula sa impluwensya ng sindikato ng iligal na droga.

Batay sa datos ng PDEA, mula July 1,2016 hanggang June 30, 2021, mayroon pang 12,852 na mga barangay na kailangang linisin mula sa ipinagbabawal na gamot.

Mula sa 42,045 na barangay sa buong bansa, nasa 22,461 na ang drug free.


Mula sa nabanggit na panahon, nakapaglunsad ang PDEA ng mahigit 207 na anti-drug operations.

Nakakumpiska ito ng PHP 61.69 billion na halaga ng shabu na nagresulta sa pagkakaaresto ng abot sa 12,608 na high value target drug personalities.

3,575 sa mga ito ay target listed at 307 naman ay mga dayuhan o foreign nationals.

Facebook Comments