Senator Recto at Cong. Vilma, posibleng magpalit ng tatakbuhang pwesto sa 2022 elections

275

Posible umanong tumakbo sa pagkasenador si Batangas Congresswoman Vilma Santos – Recto at kanyang mister na si Senate President Pro Tempore Ralph Recto ay posible namang kumandidato bilang kongresista ng ika-anim na distrito ng Batangas.

Ayon kay Senator Recto, pinag-uusapan pa nilang mabuting mag-asawa ang kanilang magiging hakbang kaugnay sa 2022 elections na ibabatay sa takbo ng mga pangyayari.


Sabi ni Recto, ikokonsidera nila sa pagpapasya ang gastos, pangangampanya sa gitna ng pandemya at kung saan ticket sila sasama.

Sa 2022 ay matatapos na ang ikalawang termino ni Recto bilang senador.

Facebook Comments