Bilang ng mga COVID-19 patients na dinadala sa mga ospital, umabot na sa 30 mula sa dating isa hanggang dalawa kada araw!

Tumaas pa ang bilang ng mga pasyenteng may COVID-19 na dinadala sa mga ospital ngayong nalalapit na pagsalubong ng Bagong Taon.

Sa interview ng RMN Manila, sinabi ni Philippine College of Physician President Dr. Maricar Limpin na mula sa isa hanggang dalawang kaso, lumobo na ito sa 30 kaso kada araw.

Bagama’t pawang moderate cases, pinaalalahanan ni Limpin ang publiko na manatili pa ring sumunod sa health protocols at huwag magpakampante.


Kasabay ng inaahang muling surge ng kaso, nananawagan naman sa gobyerno ang Filipino Nurses United na palakasin pa ang healthcare system ng bansa.

Ito ay upang makatugon sa posibleng epekto ng Omicron variant ng COVID-19.

Kahapon, umabot sa 1,623 ang naitala ng DOH na panibagong kaso ng COVID-19 sa Pilipinas na inaasahang papalo pa sa 2,500 nitong linggo.

Facebook Comments