Umakyat na sa 226 ang bilang ng mga paaralang nasira dahil sa tumamang magnitude 7 na lindol sa Northern Luzon, noong Miyerkules, Hulyo 27.
Ayon sa Disaster Risk Reduction and Management Service (DRRMS), 132 na paaralan ang nasira sa Cordillera Administrative Region; 49 naman sa Ilocos Region; 25 sa Cagayan Valley Region; 18 sa Central Luzon Region; at tig isa sa CALABARZON at National Capital Region.
Sa kabuuan, tinatayang nasa P1.3 billion ang halagang kakailanganin ng Department of Education (DepEd) para sa pagkukumpuni ng mga nasirang paaralan.
Kaugnay nito ay pinakikilos na rin ng kagawaran ang mga engineers mula sa Region 2 para tumulong sa structural assessment ng mga eskwelahan sa CAR at Region 1.
Facebook Comments