Bilang ng mga healthcare workers na tinatamaan ng COVID-19, tumaas pa

Tumaas pa ang bilang ng mga healthcare workers (HCWs) na tinatamaan ng COVID-19 batay sa datos ng Philippine College of Physicians (PCP).

Ayon kay PCP President Maricar Limpin, nakitaan nila ng pagtaas ang bilang ng mga medical workers na nahahawa sa virus kumpara sa naranasan noong nakaraang taon.

Sa kabila nito, tiniyak naman ni Limpin ang sapat na suplay ng mga healthcare workers sa pampubliko at pribadong ospital.


Sa ngayon, pagtitiyak ni Dr. Ronald Law, Director ng Department of Health (DOH) Health Emergency Management Bureau (HEMB) na gumagawa na ng paraan ang gobyerno upang matugunan ang kakulangan sa mga healthcare workers.

Sa ngayon, as of August 3 ay sumampa na sa 70% ang health care utilization rate (HCUR) sa Cagayan Valley, Ilocos Norte, Central Visayas at Calabarzon.

Nananatili naman sa moderate risk ang Northern Mindanao, Western Visayas, Central Luzon, Soccsksargen at Davao.

Facebook Comments