Dumami pa ang bilang ng mga indibidwal na hindi sumusunod sa minimum public health standards.
Ayon kay Health Officer-in-Charge (OIC) Maria Rosario Vergeire, mula sa 22 porsyento ay tumaas pa sa 25% ang mga hindi sumusunod sa health protocols.
Aniya, isa ito sa tinitignan nilang sanhi kaya tumataas ang kaso ng COVID-19 sa bansa.
Dahil dito, nagbabala si Vergeire na posibleng tumaas sa 4,400 ang kaso ng COVID-19 sa Agosto 15 habang inaasahang aakyat ito sa 6,194 sa katapusan ng buwan.
Facebook Comments