
Umabot na sa kabuuang 41,868 na mga indibidwal o katumbas ng 13,441 na mga pamilya ang naapektuhan ng bagyong Rosal.
Sa pinakahuling tala ng Department of Social Welfare and Development Disaster Response Management, ang mga apektadong residente ay sa Region 2 o sa Cagayan Valley at Region 5 o Bicol Region.
Nasa mahigit 317 thousand pesos naman na ang naibibigay na humanitarian assistance sa nasabing mga apektadong komunidad.
Habang nasa mahigit 4 na bilyong piso pa ang available na relief resources na binubuo ng quick response fund at halaga ng food at non-food items.
Facebook Comments










