
Partial road closure, ipatutupad na ngayong araw sa pasay para sa asean summit simula ngayong araw
Isasara na ngayong umaga ang ilang kalsada sa paligid ng Philippine International Convention Center (PICC) at Cultural Center of the Philippines (CCP).
Ito ay bilang paghahanda sa 49th ASEAN Summit sa Nobyembre 16 hanggang 18.
Ang partial road closure ngayong Sabado at magtatagal hanggang Nobyembre 9.
Ipatutupad naman ang total road closure sa mga apektadong kalsada mula Nobyembre 9 hanggang 20.
Kasabay nito, pinapayuhan naman ang mga motorista at commuter na iwasan muna ang Macapagal Boulevard, World Trade Center area, Diokno Boulevard at ilang bahagi ng Roxas Boulevard dahil sa inaasahang matinding pagsisikip ng trapiko.
Samantala, may mga itinalaga namang bus lane na gagawing ASEAN Lane para bigyang-prayoridad ang pagdaan ng mga opisyal na sasakyan at delegasyon na lalahok sa summit.
Sa mga empleyadong nagtatrabaho sa mga apektadong lugar ay payagang makapasok o makadaan sa pamamagitan ng pagpapakita ng kanilang valid company ID.
Alinsunod pa rin ito sa mga ipatutupad na security protocol.










