Bilang ng mga indibidwal na nabakunahan kontra COVID-19 sa lungsod ng Las Piñas, halos 150,000 na

Umaabot na sa 148,949 ang bilang ng mga residente sa lungsod ng Las Piñas na nabakunahan kontra COVID-19.

Ito’y base sa inilabas na datos ng Las Piñas City Local Government Unit (LGU) kung saan 113,934 ang nabakunahan na ng kanilang first dose.

Nasa 35,015 naman na residente sa lungsod ang fully vaccinated na.


Sa kabila nito, muli pa ring nananawagan si Las Piñas City Mayor Imelda Aguilar sa mga residente nito na magparehistro na para maka-avail ng ikinakasa nilang vaccination program.

Ayon sa alkalde, maaaring gawin ang pagpaparehistro via online o kaya sa kani-kanilang barangay kung saan ikinakasa ang pagbabakuna.

Sa kasalukuyan, nasa 18 vaccination sites sa lungsod ang maaring puntahan ng mga nais magpabakuna habang plano ng lokal na pamahalaan ng Las Piñas na magdagdag pa ng dalawa nito para maging mabilis at matapos na ang pagbabakuna sa lahat ng residente.

Facebook Comments