Bilang ng mga kaso ng pagpatay sa mga pulitiko, nasa 23 na

Umabot na sa 23 kaso ng mga pagpatay sa mga politiko ang naitala ng Philippine National Police (PNP) simula nitong Oktubre.

Ayon kay PNP Chief Police Director General Oscar Albayalde, kabilang sa mga napatay nitong nakalipas na dalawang buwan ay mga barangay chairman, mayor at vice mayor.

Gayunman, hindi pa aniya kasama sa bilang ang pagpatay kay Ako Bicol Representative Rodel Batocabe.


Hindi pa kasi aniya tukoy kung politika talaga ang motibo sa krimen lalo na at may lumulutang na anggulo na banta ng New Peoples Army sa mambabatas.

Facebook Comments