Bilang ng mga kumpirmadong COVID-19 cases sa bansa, umakyat pa sa 3,764

99

Nadagdagan pa ng 104 ang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa bansa.

Dahil dito, ayon kay Health Secretary Francisco Duque III, pumalo na sa 3,764 ang COVID-19 sa Pilipinas.


14 naman ang dumagdag sa mga nasawi na umabot na sa 177.

Habang nadagdagan naman ng 11 ang mga gumaling na ngayong ay nasa 84.

Samantala, ininspeksyon ni National Action Plan Against COVID-19 Chief Implementer Sec. Carlito G. Galvez, Jr. ang Philippine Arena sa Bulacan na gagamitin bilang mass quarantine areas ng mga COVID-19 patient.

Facebook Comments