Paulit-ulit ang paalala ng Philippine National Police (PNP) sa publiko na sumunod at huwag nang maging pasaway sa mga pina-iiral na mga patakaran para malabanan ang COVID-19.
Ito ang pahayag ni PNP Chief P/Gen. Guillermo Eleazar matapos na umakyat sa 257,437 ang mga naitalang lumabag sa Public Health and Safety Standards sa buong bansa.
209,559 sa mga lumabag ay binigyan ng warning habang nasa 33,018 ang pinagmulta at nasa 14,860 ang nakulong o kinasuhan dahil sa paulit-ulit na paglabag.
Samantala umabot naman sa mahigit 55,000 ang lumabag sa curfew, 39,046 sa mga ito ang nasita habang 11,394 naman ang pimagmulta.
Ang datos na ito ng PNP ay naitala mula September 16 hanggang 20 kung kailan umiiral na ang General Community Quarantine (GCQ) with alert level system sa NCR habang mas mababa naman ang alerto sa mga lalawigan.
Dismayado naman si Eleazar dahil marami pa rin ang pasaway pero hindi aniya sila titigil sa pagpapatupad ng mga health protocols.