Bilang ng mga mag-aaral na nagpa-enroll sa buong bansa, mahigit 21 milyon na ayon sa DepEd

Dahil sa patuloy ng pagtanggap ng late enrollees ng mga pambulikong paaralan sa bansa, patuloy na nadagdagdagan ang bilang ng mga mga mag-aaral na gustong pumasok para sa School Year 2020-2021.

Batay sa pinakahuling tala ng Department of Education (DepEd) ngayong umaga, pumalo na sa mahigit 21.93 milyon ang enrollees sa buong bansa para sa public at private schools.

Ito ay katumbas ng 78.9% kumpara sa kabuuang bilang ng enrollees noong 2019 na mayroong mahigit 27 milyon.


Mula sa nasabing bilang, mahigit 20.65 milyon dito ay bilang ng mga mag-aaral na nagpa-enroll sa pampublikong paaralan.

Habang ang mahigit 1.25 milyon naman ay mga mag-aaral na pinili ang pribadong paaralan sa bansa.

Inaasahan naman ng DepEd na makukuha nila ang kanilang target na bilang ng enrollees para ngayong taon na 80% mula sa kabuuang bilang ng enrollees noong nakaraang taon.

Ikinatuwa naman DepEd ang latest tally ng kanilang enrollment dahil dumarami ito sa kabila ng nagpapatuloy na banta ng COVID-19 sa bansa.

Facebook Comments