Tumaas ang bilang ng mga mag-aaral na nag-enroll sa private schools at State Universities and colleges (SUCs)/Local Universities and Colleges (LUCs) sa Ilocos Region, ayon sa Department of Education Region 1.
Sa datos ng DepEd Region 1, mayroon ng 1, 256, 105 enrollees ang naitala sa rehiyon. Sa nasabing bilang 1, 129, 203 dito ang nag-enroll sa public school, 121, 953 sa private schools at 4, 949 sa SUCs at LUCs.
Kumpara sa datos noong nakaraang school year, mayroon lamang 115, 946 na nag-enroll sa private schools at 4, 915 sa SUCs at LUCs.
Ayon kay Mr. Joey Pimentel, ang Statistician ng Policy Planning and Research Division ng DepEd Region 1, inaasahan na tataas pa ang bilang ng enrollees at malalagpasan ang bilang noong nakaraang school year na higit 1. 3 milyon.
Samantala, bukas pa rin ang DepEd sa pagtanggap ng mga enrollees basta maabot ang 203 days ng schooling. | ifmnews
###
Facebook Comments