Cauayan City, Isabela- Umangat ang bilang ng mga mag-aaral ngayong pasukan kumpara sa bilang ng mga mag-aaral noong nakaraang taon.
Ito ang ibinahaging impormasyon ni ginoong John Mina, ang principal ng Cauayan City National High School sa nagging ugnayan ng RMN Cauayan kaninang umaga.
Aniya, nasa bilang na 6,427 na estudyante ang hawak ngayon ng Cauayan City National High School na kinabibilangan ng Junior High School na mayroong 4,258 na estudyante at nasa 1,969 na mag-aaral naman sa Senior High School kumpara sa datos nila noong nakaraang school year na mayroon lamang 5,600 na bilang ng estudyante.
Ayon pa kay ginoong Mina, Nasa maayos na resulta ang pagbubukas ng pasukan ngayong buwan ng Hunyo at na remedyohan naman umano ang mga kakulangan ng klasrum at silya.
Nagpapasalamat naman si ginoong Mina dahil marami umano ang nakipagtulungan sa katatapos lamang na Brigada Eskwela upang maayos at maihanda ang mga classrooms na gagamitin ng mga estudyante.
Bagamat tumaas ang bilang ng mga mag-aaral sa kanilang paaralan ay kasyang-kasya umano ang mga estudyante sa kanilang paaralan dahil sa pagkakaroon ng shifting sa bawat klase.
Binigyang diin pa ni ginoong Mina na ligtas umano ang kanilang paaralan dahil mayroon umanong nag-iikot sa kanilang paaralan upang magbigay seguridad.