UNJUST VEXATION | Kaso laban sa aktor na si Frank Magalona – ibinaba ng prosekusyon

Manila, Philippines – Mula sa kasong acts of lasciviousness, ibinaba na lamang ngayon sa unjust vexation ang kasong isinampa laban sa aktor na si Frank Magalona.

Nag-ugat ito nang umano panghihipo ni Frank ng likoran ng VIP host sa isang bar sa Bonifacio Global City, Taguig.

Ayon sa Prosecutor – hindi nakitaan ng sapat na ebidensya upang makulong si Magalona.


Pero sa kabila nito, tuloy pa rin ang imbestigasyon sa kaso ni Frank dahil hindi pa ito ibinabasura ng prosekusyon.

Si Frank ay anak ng yumaong master Francis Magalona at ni Pia Magalona.

Facebook Comments