Bilang ng mga mahihirap na Pilipino sa bansa, nadagdagan ng mahigit 2 milyon

Nadagdagan ng 2.7 milyon ang bilang ng mga mahihirap na Pilipino sa bansa.

Base sa economic report ng World Bank, dulot ito ng COVID-19 pandemic at ng sunod-sunod na pagtama ng kalamidad.

Bukod dito, lumiit din ang ekonomiya ng Pilipinas sa 8.1 percent na itinuturing na pinakamalalang tinatawag na contraction ng ekonomiya.


Paliwanag pa ng World Bank, nakasalalay ang pagbangon ng ekonomiya ng Pilipinas sa maayos na pagpapatupad ng programa sa pagbigay ng bakuna kontra COVID-19, oras na masimulan ito.

Facebook Comments