Umabot na sa 424,000 indibidwal ang naaresto ng pulisya dahil sa paglabag sa health protocols sa gitna ng COVID-19 pandemic.
Ayon kay Joint Task Force COVID Shield commander Police Lt. Gen. Guillermo Eleazar, nasa 2,186 ang average na bilang ng mga nadadakip nilang violators kada araw.
Pagkatapos ma-booking, binibigyan ng ordinance violation receipt ang mga naaresto kaakibat ang multa at pinapauwi na.
Hinikayat naman ni Eleazar ang mga barangay na palakasin ang reporting system para mas mapahusay ang pagmo-monitor sa mga paglabag.
Pakiusap naman ni Eleazar sa publiko, sumunod sa health protocols para mapigilan ang pagkalat ng virus.
Facebook Comments