Bilang ng mga nagdeklara ng state of calamity dahil sa epekto ng El Niño sa bansa, umabot na sa 106

Bilang ng mga nagdeklara ng state of calamity dahil sa epekto ng El Niño sa bansa, umabot na sa 106

Umabot na sa kabuuang 106 na mga lugar sa bansa ang naitala ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRMC) na nagdeklara ng state of calamity dahil sa epekto ng El Niño.

Sa nasabing bilang , 66 rito ay lugar mula sa Region 2, dalawamput-tatlo sa CARAGA, labingdalawa sa Region 5 , apat sa CALABARZON at isa sa Region 12.

Aabot naman sa higit 388 thousand na mga indibidwal o katumbas ng higit 104 thousand na mga pamilya ang naitala ng NDRRMC na naapektuhan ng matinding tagtuyot sa bansa.

Nananatili naman sa 39 na mga lugar sa rehiyon ng CARAGA ang naitalang may insidente ng grass fire.

Facebook Comments