
Paspasan na ang ginagawang pagproseso ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) para sa lahat ng aplikasyon ng mga special permits para sa nalalapit na Undas.
Ayon kay Acting LTFRB Chairman Atty. Greg G. Pua, Jr., nakatanggap na ang ahensya ng 456 na mga special permit applications na binubuo ng nasa kabuuang 1,003 na mga bus na ruruta sa ibat-ibang parte sa bansa.
Mas mataas ang bilang na ito kumpara sa aplikasyon noong nakaraang taon.
Ayon kay Pua, nirereview na nila ang lahat ng data para matukoy ang nararapat na bilang ng mga pampasaherong bus na kinakailangan na mabigyan ng special permits.
Aniya ang goal ay magkaroon ng sapat na mga bus para sa maraming tao na inaasahang uuwi sa kani-kanilang mga probinsya para dalawin ang kanilang mga namayapang mahal sa buhay.










