Bilang ng mga nagpa-enroll para sa School Year 2020-2021, mas mababa kumpara noong nakaraang taon ayon sa DepEd

Inaasahan na ng pamunuan ng Department of Education (DepEd) ang mababang enrollment turnout ngayong taon.

Batay kasi sa tala ng kagawaran, mula June 1 hanggang June 30, 2020, umabot lang ng mahigit 16.6 million na mga estudyante ang nagpa-enroll sa public at private schools sa buong bansa.

Ang nasabing bilang ay katumbas lang ng 59.9% kumpara sa nakaraang taon, kung saan nakapagtala ang DepEd ng mahigit 27.7 million enrollees para sa private at public schools.


Paliwanag ni DepEd Secretary Leonor Briones na inaahasan nila ito dahil sitwasyong ng bansa kaugnay sa banta ng COVID-19.

Aniya, naiintindihan niya na maraming mga magulang at guardian ang nag-aalinlanagn na ipa-enroll ang kanilang mga anak dahil sa banta sa kalusugan na dala ng virus.

Pero sa kabila nito, tiniyak niya na ligtas pa rin ang mga mag-aaral ngayong taon dahil walang face-to-face classes na ipatutupad.

Aniya, ang unang tinitingan ng kagawaran sa lahat ng mga hakbang nito kaugnay sa pagbubukas ng klase ngayong taon ay ang kaligtasan ng kalusugan ng mga mag-aaral, magulang at mga guro.

Facebook Comments