Bilang ng mga nagpasa ng SOCE, halos kakaunti pa rin ayon sa Comelec

Umaabot na sa walong tumakbong senador ang nagpasa ng kani-kanilang Statement of Contributions and Expenditures (SOCE) matapos ang 2025 midterm elections.

Sa inilabas na datos ni Commission on Elections (COMELEC) Chairman George Erwin Garcia mula sa 66 na tumakbo nitong halalan tanging sina Atty. Vic Rodriguez, Norberto Gonzales, Willie Ong, France Castro, Tito Sotto, Atty. Angelo De Alisan, Ronaldo Jerome Adonis at Philip Salvador ang naghain ng kanilang SOCE.

Nasa 11 party-list group mula sa 155 na sumabak nitong eleksyon ang naghain ng kanilang SOCE sa Comelec kabilang rin ang tatlong partido na: Ang Katipunan Para Sa Pag-Angat at Pag Yabing ng Bayan (AKAY); Partido Demokratiko Sosyalista ng Pilipinas (PDSP) at BIGKIS Pinoy Movement.

Muling ipinapaalala ng Comelec sa lahat ng mga kumandidato na walang deadline ang pagpapasa ng SOCE sa June 11 kung saan bukas ang kanilang tanggapan ng alas-8:00 ng umaga hanggang alas-5:00 ng hapon mula Lunes hanggang Sabado kahit pa holiday.

Ang hindi pagsusumite ng SOCE ay maaaring magresulta sa multang mula ₱1,000 hanggang ₱60,000 at maaari pang mapatawan ng parusang perpetual disqualification sa paghawak ng anumang posisyon sa pamahalaan.

Facebook Comments