Bilang ng mga nagpositibo sa COVID-19 sa kontrobersyal na community pantry sa Brgy. Old Balara, Quezon City, umakyat na sa 56

Umakyat na sa 56 ang bilang ng mga nagpositibo sa COVID-19 sa isinagawang mega swab testing sa Barangay Old Balara, Quezon City.

Ang mga nagpositibo ay kabilang sa nasa 6,000 pumila sa kontrobersyal na community pantry na inorganisa ng isang konsehal sa lungsod.

Agad namang ibibigay ang listahan ng mga nagpositibo sa City Epidemiology and Surveillance Unit (CESU) para sa isolation ng mga pasyente.


Bukod sa Liwanag Street kung saan isinasagawa ang mega swab test, isinailalim na rin sa lockdown ang Lagoon Street matapos na 14 na residente nito ang magpositibo sa sakit.

Kaugnay nito, nagpalabas na rin ng kautusan si Quezon City Mayor Joy Belmonte sa mga nagbabalak magsagawa ng community pantry na mag-abiso, isang linggo bago ang aktibidad.

Facebook Comments